YESTERDAY morning, at the tailend of the press conference called by various groups and political blocs to announce the holding of a nationwide rally on June 24 which they have declared as "National Day of Protest for Truth and Justice" (also to coincide with Gloria Macapagal-Arroyo's proclamation as president by Congress a year ago), Estrellita Juliano, the "defeated" opposition, mayoralty candidate of Cotabato City made a public appearance.
Juliano, whose name was mentioned at least five times in the supposed taped conversations involving poll commissioner Virgilio Garcillano and Atty Lintang Bedol , says she has come forward to attest to the truthfulness of electoral fraud that happened in her city in the 2004 elections. Following is the transcript of her brief address:
Doon sa tape na narinig niyo na may pinag-uusapan si Commissioner Garcillano at si Atty. Bedol na "Juliano, Juliano," ako po yun.
Ako po ang mayoralty candidate ng Cotabato City na dinaya nilang dalawa. At kanina lang po may tumawag sa akin, aniya, "Neng bumili ka ng Malaya, yung pangalan mo, yung complete history ng case mo ay naroon." (Our "Vidol" who? post appears on the front page of Malaya's issue today.) And then I received a call from (former) Congressman Digs Dilangalen to come here to attend and to inform everybody of what is the truth.
Records will show sa Commission on Appointments, I'm the only one who filed an opposition against the confirmation of Commissioner Garcillano and Commissioner Barcelona dahil nga po doon sa pandaraya sa akin na kumpleto po ako ng records.
Nandoon din po sa record, na I'm the only one who filed a case against Atty. Lintang Bedol na nandoon ngayon pending sa Ombudsman dahil nga sa pandaraya.
Halos walang naniniwala sa akin hangga't nakarating na ang aking kaso sa Supreme Court. Pero nang nabasa ko po at nakita at narinig ko yung tape, nandoon yung pinag-uusapan yung Juliano, na ang canvassing dapat noong June 2 last year, ginawa nilang June 1 para magawa nila lahat ng magustuhan nila. Absent po ako. At dinagdagan nila ng mga election return yung mga botohan doon sa Cotabato.
Noong una pa pong nangyari noong May, nagbibilangan pa po kami, yung unang board of canvassers chaired by Atty. Martirizar sa Cotabato, hinihingi namin na bago sana mag-umpisa yung counting from President down to the local candidates ay magkaroon ng inventory, bilangin muna. Ayaw pong pabilang ng chair ng board of canvassers na si Atty. Martirizar.
Hanggang nag-petition kami and then may pinapasok silang pilit na tatlong ballot boxes na naiwan daw. Ang sabi niya, kumpleto na yung nasa loob ng board of canvasser. pero nang pangatlong araw na ayaw naming pumayag, nag-rally kami, kasama ko si (former) Congressman Digs Dilangalen dahil may pinapasok sialng tatlo, hindi pala totoo.
So nag-reqeust kami kay Chairman Abalos na kung pwede palitan yung board of canvassers. Sa kabaitan naman ay pumayag siyang palitan. Pumalit ay taga-Maynila headed by Atty. Surmieda. Si Atty. Surmieda naman ay nagkaroon ng canvassing, binilang niya lahat, kulang ng 54 election returns. Nang nagka-counting na kami, bigla hong umalis sila. may tawag daw sa Maynila na ayaw sabihin. At ang sabi kailangan bumalik ng Maynila. At ang kutob namin ang tumawag ay si Commissioner Garcillano. Basta't umalis nang walang paalam, so nabakante ng ilang araw.
Ang ginawa ko, humingi ako ng pakiusap na kung pwede ay dalhin na lang sa Maynila ang canvassing ng Cotabato City sapagkat puro pandaraya ang ginagawa sa amin doon. Pinagbigyan naman po kami sa Maynila. Ang masamang palad lang po ang na-appoint ay si Lintang Bedol, yung nasa tape na maraming sinasabi.
Nag-oppose ako na kung pwede huwag i-appoint si Bedol sapagkat doon sa Sultan Kudarat a week before, puro pandaraya na ang ginawa niya. Despite that, si Commissioner Garcillano pinilit pa rin si Lintang Bedol.
Doon po bago kami umalis, binigyan ako ng notice na June 2, 2004 ang canvassing. Pagdating sa Maynila, ginawa nilang June 1. Wala ho akong presence, wala akong abogado at dinagdagan pa nila yung mga election returns. Ginawa nilang 577.
Napatunayan ko pong katotohanan lahat yan sapagkat doon sa tape mismo nandoon ang pangalan ko na pinag-uusapan ni Garcillano na "ituloy mo na maski wala si Juliano. Ituloy na ang canvassing."
Yun po ang mapapatunayan kong may katotohanan. Kumpleto po ako ng record.
No comments:
Post a Comment