Friday, June 10, 2005

Pres. Arroyo's Wiretapped Phone Conversations (Complete Transcript)

Bookmark and Share

Transcript of Atty. Allan Paguia’s Tape Copy
Paguia: Mga kababayan ko kapwa kong Pilipino. Ito po si Attorney Allan Paguia, dating propesor
ng batas sa Ateneo Law School, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at University of Batangas na
sinuspinde nina Chief Justice Davide, ng mga mahistrado sa kataastaasang Hukuman.
Kung maalala niyo po, sinuspinde ako nila Chief Justice Davide dahil hindi nila masagot ang
ating katanungan tungkol sa kanilang desisyon sa kasong Estrada versus Arroyo na kung saan na
sinabi natin na bawal sa batas at sa Saligang Batas ang ginawa nilang pagpapasumpa kay Bise
Presidente Gloria Arroyo noong kasagsagan ng EDSA Dos dahil wala silang batayang maliwanag
sa ilalim ng Saligang Batas. Sa ilalim ng Saligang Batas, si Pangulong Estrada ay matatanggal
lamang kung siya ay napatunayang nagkasala doon sa kasong impeachment na isinampa laban sa
kanya. Maalala po natin na hindi natuloy ang impeachment. Kaya po tinanong natin bakit
natanggal si Pangulong Estrada. Eh ang sinabi naman ng Korte Supreme na walang rebolusyong
noong EDSA Dos.
Noon pong Linggo, Mayo kinse, taong 2005, ay may natanggap akong recording na mga boses na
pinaniniwalaan ko na ang mga nagmamay-ari ay mga matataas na mga opisyal sa ating
pamahaalan. Kabilang na po dito si Mrs. Gloria Arroyo, si Mr. Mike Arroyo, si Comelec
Chairman…ah Comelec Commissioner Virgilio Garcillano at saka si dating senator Robert Barbers.
At itong mga nakasaad sa mga recording na sumusunod ay nagpapakita kung paano itong si
Comelec Commissioner Gil Garcillano ay nagpagamit sa kanyang mga kausap upang mandaya sa
nakaraang halaan pampanguluhan noong Mayo 10, 2004.
Maaari pong masabi na hindi ko natitiyak kung ang mga tinig na naitala sa susunod ninyong
maririnig pagkatapos nito ay yun ngang mga taong nabanggit. Ako po ay naniniwala na ang mga
tinig na yon ay doon sa mga pinangalanan natin ngayon. At naniniwala po ako na dapat malaman
ng sambayanang Pilipino ang katotohonang sinasaad ng mga naitalang mga tinig. Pakinggan po
natin at kayo po ang humatol kung ito nga ay mga tunay na ga pag-uusap na naganap sa pagitan
ng mga nabanggit na mga pangalan.
Alam ko po na maaaring may masamang mangyari sa akin pagkatapos nito. Ngunit sa interes ng
katotohanan, katarungan para sa ating bayan na lugmok na lugmok na sa maduming pulitika, ito
po ang katotohanan ang pinakamabisang gamot. Makinig po tayo.
***
Brod, tinawagan ko si Sammy dahil sa kanya involved yung kuwan, yung ano Pangutaran.
Oo…sabi kung ano…ikaw tatawag kay Attorney Senel Garcillano, o tatawag raw siya.
Okay, thank you, Brod.
***
Barbers: Commissioner…
Garcillano: Ah?
Barbers: Si Senator Barbers.
Garcillano: Senator.
Barbers: Meron daw order na ipalipat sa Manila yung canvassing sa Cotabato?

Garcillano: Wala akong alam doon, Senator. Sabi May 29. Wala naman akong napirmahan
ngayong araw. Wala naman kaming pinipirmahan. Kaya vine-verify ko. Pero si Attorney Vidol,
yung ating tao doon hindi ma-contact.
***
GMA: Si FPJ camp raw will file a case against the board of canvassers of ano…doon sa Marawi?
And the military?
Garcillano: Ma’am? Ano, Ma’am?
GMA: The FPJ camp raw will ano file a case against the board of canvassers and the military in
Marawi?
Garcillano: Hindi naman ho siguro nila maaano ang ating board of canvassers. Pero ang military
sa field si Gudani. Sa kanila si Gudani. I do not know why they will file.
GMA: Oo, oo.
Garcillano: Sa kanila si Gudani, Ma’am. That’s why I had to work with General Espiron and
General Quiamco na at that time, pinalitan namin si General Gudani for a while. Kaya
kuwan…bakit nila fa-file-an ang mga military na sa kanila lahat? Ayaw na nga mag-give way sa
aming mga tao.
GMA: Oo, oo. Meron silang pinakita…
Garcillano: Mas mataas po siya pero magcompensate ho sa Lanao niya.
GMA: So will I still lead by 1M?
Garcillano: More or less it’s that advantage, Ma’am. Parang ganoon din ang lalabas.
GMA: It cannot be less than 1M?
Garcillano: Pipilitin ho natin iyan. Pero as of the other day, 982…
GMA: Kaya nga eh
Garcillano: And then if we can get more in Lanao
GMA: Hindi pa ba tapos?
Garcillano: Hindi pa ho, mayroon pa hong darating na 7 municipalities.
GMA: Ah, okay. Oo.
Garcillano: O, sige po.
***
GMA: 40-plus daw ang talo ko doon sa kuwan, sa Cotabato?
Garcillano: Ma’am?

GMA: More than 40?
Garcillano: More or less pero hindi siguro sosobra ng 40, Ma’am. Nag-usap na kami ni Attorney
Vidol.
GMA: Ah ganoon? So mali ang figures ni Teng?
Garcillano: Siguro, si Teng kinausap niya ang staff ni Attorney Vidol. Kami ni Attorney Vidol,
nag-usap ngayon. But I’ll give you the exact figure in a little while para malaman ho ninyo.
GMA: Oo, oo.
***
Barbers: Padre, maraming lumalapit sa amin na mga tao daw niyo diyan sa Comelec humihingi
ng…binebenta ang boto. Ano bang gagawin natin diyan?
Garcillano: Sino sa kanila?
Barbers: Hindi ko alam kung sino pero merong dalawa na naglapit sa amin.
Garcillano: Kaya kaya?
Barbers: Ha?
Garcillano: Kaya kaya?
Barbers: Humingi ng masyadong malaki, pare… mga milyon ang hinihingi
Garcillano: Magkano?
Barbers: Limang milyon daw
Garcillano: Ha??
Barbers: Limang milyon.
Garcillano: Putragis na yan
Barbers: Di bale kung rasonable pwede naman tayong magdagdag.
Garcillano: Kung manalo ka, magbibigay ka naman…Sige na, ay kuwanin mo makikiano ka muna
at titignan ko kung sino. Kunwari lang ano ka… pasok ang tao mo para malaman.
Barbers: Pero, pare. Willing naman kami magdagdag kung kinakailangan.
Garcillano: O, sige.
Barbers: Siguruhin lang ha
Garcillano: Sige lang, siguro para mabantayan ko
Barbers: O, sige, sige.
***

GMA: Meron tayo scheduled (garbled) PR para sa Sulu?
Garcillano: Saan po, Ma’am?
GMA: Sa Sulu, Sulu?
Garcillano: Oo, Ma’am, meron
GMA: Nagko-correspond? Kumpleto?
Garcillano: Oho, Ma’am. Lahat po meron. Hindi naming ika-count kung…
GMA: Okay, okay.
***
Barbers: Padre, yung kausap namin eh atras-abante. Umatras na naman.
Garcillano: Huwag na lang. Huwag na lang. Pipilitin ko baka kanilang labas yun…
Barbers: Kung ano lang, kung ano na lang kailangan, pare.
Garcillano: Pipilitin ko.
***
Woman: Sir, eh delikado
Garcillano: Delikado po? Oo, pero tignan natin. Huwag ka na lang maingay diyan.
Woman: Opo, opo, opo.
Garcillano: Tingnan natin baka sakali
Woman: Sir, tumawag sa akin si Presidente. Kasi apparently nagkausap sila ni Chairman Abalos
diyan
***
GMA: Si Biazon nagbabanta kung madadaya daw siya papabuksan daw niya yung ano, tsaka
Tawi-Tawi baka raw ako madale doon so…
Garcillano: Baka nga ho, Ma’am.
GMA: Hindi kaya puwedeng ma-delay yung senatorial canvassing until after the voting on the
rules tonight.
Garcillano: On the rules. O, sige po. Mag-uusap po kami ni Chairman.
Kasi  mabubungkal sa Senate e para walang (garbled) kung ako…if I have to…between two allies
ito, di siympre magagalit yung isa for sure
***

GMA: Saka yung kabila they’re trying to get their Namfrel copy of the municipal COCs
Garcillano: Namfrel copies ho? Ay wala naman ho.
GMA: Uh-hm.
Garcilano: Ok naman ang Namfrel a atin. They are now sympathetic to us.
GMA: Oo, oo. Pero it does makes sure (garbled) pero yun nga they are trying to get that.
Garcillano: We will get an advance copy ho natin kung ano ho ang kuwan nila.
Sige ho.
***
GMA: When they opened the ballot box of Camaries Norte, it was empty.
Garcillano: This afternoon, Ma’am?
GMA: Uh-hum.
Garcillano: Camarines Norte?
GMA: Uh-hum.
Garcillano: I’ll call up the supervisor tonight or tomorrow, Ma’am.
GMA: Si Carino?
Garcillano: Lisa Carino? She’s not going to do that because this guy is a straight type.
GMA: Okay.
Garcillano: I will call her up Ma’am.
***
Garcillano: Hello.
Arroyo: Hello, si Mike to.
Garcillano: Hello.
Arroyo: Kung puwede ho tulungan niyo si Bobby Barbers
Garcillano: Oo nga ho pero mahihirapan na tayo medyo nabuko na tayo sa Lanao del Sur at hindi
na makakahabol dito sa Cotabato.
Arroyo: Ganun ba? Baka puwede pang gawan ng paraan?
Nandito po kami sa session ngayon. Nag-usap na kami ni Senator.
***

Garcillano: Hello
Arroyo: Sabi ni Bobby Barbers meron para raw siya kasi doon sa Lanao del Sur. Meron pa raw 27
municipalities pa.
Garcillano: Alin, alin
Arroyo: Meron pa raw 27 municipalities dun sa Lanao del Sur
Garcillano: Hindi kasi ang kuwan dun sa Lanao del Sur, 2 presinto sa bayan, 4 na presinto sa
Madalin, 1 presinto sa Capay, yun na lang.
Arroyo: So bale 5.
Garcillano: No. Pero presinto lang
Arroyo: A precincts lang.
Garcillano: Oo, wala namang 1000 e.
Arroyo: Ang impression, dahil sa Columbio meron pa raw 3rd siya.
Garcillano: Hindi wala na yung Columbio nakasama na nung kuwan,
Arroyo: Sa tingin ko wala na rin.
Garcillano: Ang South Upi ang nilagay nila na merong 4000, pero kahit anu pa wala pa rin di
makahabol.
Arroyo: E ang Tawi-Tawi makakuha pa raw siya ng 750
Garcillano: E, wala namang ano, ewan ko, wala namang ano yang Tawi-tawi.
Arroyo: Kawawa naman yung bata natin.
Garcillano: Alam mo, talagang inaano ko yan, pinagdududahan na ako ng nag-kuwan dun sa
Lanao Sur.
Arroyo: (Laughter) Anak ng puta, hay naku, kawawa naman.
Garcillano: O sige tatawagan ko mamaya siya.
Arroyo: Sige tawagan mo siya kung puwede.
***
GMA: Hello, dun ba sa Lanao del Sur tsaka sa Basilan yun lang bang match dun sa SOV sa COC?
Garcillano: Kuwan ho yan, ang sinasabi nila wala naman ho.
GMA: Hindi nagma-match.

Garcillano: Hindi nagma-match. May posibilidad na di magma-match kung hindi nila sinunod
yung individual SOV ng mga munisipyo, pero ewan ko lang ho kung sa atin pabor o hindi kasi
dun naman sa Basilan tsaka Lanao Sur, itong ginawa nila na pagpataas sa inyo hindi naman ho
kuwan, maayos naman ang paggawa e.
GMA: So nagma-match?
Garcillano: Oho. Sa Basilan ay iyon ay pahabol na naman ng mga military dun, hindi masyado
marunong kasi silang gumawa e, katulad sa Sulu, si General Habaton. Pero hindi naman ho
kinausap ko kanina yung Chairman ng Board sa Sulu, ang akin pa patataguin ko na muna yung
EO ng Pagundaran na para hindi siya maka-testigo ho. Nai-print na ho yung kuwan Camarines
Norte, tomorrow we will present official communication dun ho sa Senate, dun sinasabing wala
hong laman yung ballot box.
GMA: Oo.
Garcillano: Na-receive ho nila lahat e.
GMA: Oo.
Garcillano: Tumawag ho kayo kanina, Ma’m?
GMA: Ya, about that Lanao del Sur at Basilan.
Garcillano: Oho. Nagkausap nga ho kami ni Abdullah dun sa kuwan kanina about this, iaano ko
ho, wag ho kayo masyado mabahala, anyway we will take care of this, kakausapin ko rin si Atty.
Makalintal.
GMA: Oo, tapos non si ano, tapos non si, Calanguyan meron daw silang teacher na nasa Witness
Protection Program ng kabila.
Garcillano: Sino ho?
GMA: Yung kabila, may teacher daw silang hawak.
Garcillano: Wala naman ho, baka nananakot lang ho sila, kasi yung kuwan.
GMA: Calanguyan, Tawi-Tawi.
Garcillano: Calanguyan sa Tawi-Tawi, wala naman hong kuwan tayo dun, wala tayong ginawa
dun sa Calanguyan, talo nga tayo dun, talo nga si Nur doon e.
GMA: Oo.
Garcillano: Sige, aanuhin ko ho.
GMA: Ok, sige, sige. Thank you, thank you.
Garcillano: Sige po.
***

Barbers: (garbled) sa Basilan wala ng nagbabantay, pare, pinabayaan na ng mga tao (garbled) di
ina-acknowledge si Rey sa Basilan.
Garcillano: May petition kasi for annulment doon.
Barbers: Ah ganoon?
Garcillano: Sumobra masyado.
Barbers: Baka pwedeng ikarga mo naman yung 70,000, pare? Kaya ko naman yata
(garbled)
Barbers: Sa Basilan pala puede pa at sa Isabela. Pero sitenta na lang ang kailangan, pare.
Garcillano: Oo.
Barbers: (garbled) 70,000 na lang ang kailangan. Hati-hatiin mo na lang, kokonti lang iyan.
Garcillano: Ah…
Barbers: Pare, patotohanin mo na. Wala nang pag-asa yan pag ganyan.
Garcillano: Oo, nga.
Barbers: Patotohanin mo na lang, pare. Kung anong konsiderasyon, sabihin mo na lang sa akin.
Kung ano pang additional.
Garcillano: Ah, okay.
Barbers: Pare, pakisuyo lang para matapos na. (garbled) Marami pang natitira, puede pang
idagdag eh, 70,000 lang ang kailangan, pare.
***
Barbers: Padre, pag nakumpleto mo, proclaim mo na kaagad na para tapos na.
Garcillano: Oo, naka-ready na ha.
Barbers: Sige, sige, timbre mo sa akin kung kailan ko dadalhin yung requirement.
Garcillano: Oo, ngayon, hanggang bukas kailangan mayari.
Barbers: Sige, basta sabihin mo lang kung magka…
Garcillano: Magkano? …(garbled) kung humingi sila. Sinasabi ko lang kung dadagdagan natin
siguro, baka manghingi eh.
Barbers: Okay lang, pare.
Garcillano: Okay, sige.
Barbers: Okay lang, okay lang.

Garcillano: O, sige.
Barbers: O, kailan ko dadalhin?  Malalaman ko na bukas. Basta i-proclaim mo na, kung magkano
kailangan, sabihin mo lang sa akin.
Garcillano: O, sige.
***
Barbers: Padre.
Garcillano: Mag-ready ka…
Barbers: Oo, naka-ready pa rin. Basta sabihin mo lang ayos na padadala ko na.
Garcillano: (garbled) papuntang Baguio pero kung maaari magpkuwan kang magkano kung
anong kaya. Kahit magkano?
Barbers: Oo, sabihin mo. Ikaw ang masunod. Mamamaya magbigay tayo ng mali
Garcillano: One-five to two.
Barbers: O, sige.
Garcillano: May tao diyan sa opisina ko, si Mrs. Peralta na siyang hahawak. Hindi naman ibibigay
kung hindi naman maka-deliver e.
Barbers: Oo.
Garcillano: Pero babalik rin ako bukas, either bukas ng hapon o tanghali.
Barbers: Saan dadalhin ang pera?
Garcillano: Kay Mrs. Ellen Peralta.
Barbers: Ellen Peralta.
Garcillano: Ah, oo siya ang executive secretary ko.
Barbers: Hanggang anong oras?
Garcillano: Tatawagan ko na siya ngayon kasi paalis na ako. Okay, basta ready. Makuwan siguro
yan  (garbled)
Barbers: Paano ko padadala ang pera? Paano ko padadala, manong?
Garcillano: Padala na ngayon para habang kuwan..
Barbers: Basta hanggang six o clock nandoon. (garbled) walang pangalan, padadala ko lang
Garcillano: Ha? Ipadala mo na.
Barbers: Ipadala ko na. O magkano? one more time.

Garcillano: 1.5.
Barbers: O, ikaw.
Garcillano: Anyway, kung hindi magamit, di, ibalik.
Barbers: O, sige, sige…Peralta ha? Ellen Peralta?
***
Man: Nasa Manila?
Garcillano: Nasa Maynila? Delikado. Hindi ba natin ma-contact?
Man: Walang ano … In-off ang cellphone. Pinahanap ko sa isa.
Garcillano: Pakikuwan lang…Delikado yan
Man: Oo, nga. Sabi ko sa ISAFP dito (garbled) na Zamboanga para may bargaining chip tayo
diyan, e damputin na natin yung pamilya na rin niya. Kasi baka makapagsalita.
Garcillano: Oo nga e
Man: Kasi delikado yan.
Garcillano: Pero nagawa ba talaga yan?
Man: Ha?
Garcillano: Nagtrabaho ba yan?
Man: Nagtrabaho yan, sir, pero yung trabaho limpio yun talaga trabaho nila. Ang problema si
Catangan. Baka sabihin ibaligtad ni Catangan sa taas, sa provincial level.
Garcillano: Maghanap ka nang ng well-meaning na kamag-anak niya. Huwag mo munang
ipangingidnap ang pamilya. Soft touch muna.
***
Garcillano:Tawagan ka ni General Lomibao ha?
Man: Oo
Garcillano:Siya (garbled) ni General Ebdane. Concerned sila primero sa (garbled) Languyan.
Man: Languyan o Tuburan?
Garcillano: Languyan. Primero Languyan. Hapon. Si Adnan?
(Speaking in dialect)
Garcillano: General Lomibao

Man: Lomibao? PNP?
Garcillano: Chief PNP. General na siya.
***
Garcillano: Good evening.
GMA: Oo, sabi ni Teng dapat sigurado natin consistent yong mga documents sa Maguinadnao.
Garcillano: Yung kuwan, hindi naman ho masyadong problema yung sa Maguindanao. Pero anu
ho yung tinext ninyo kagabi na may mga fake precincts (garbled) na mastermind?.
GMA: Oo, oo.
Garcillano: Pero pano, san ho ba naman, ang hindi ko maintindihan what is that they are trying
to drive at with 120 days (garbled) established ng (garbled) precincts
GMA: Ok, ok, siguro ano, baka more stab in the dark lang yon. But I will just you know
everything I’ll found out, para we can always make the appropriate remedies.
Garcillano: Si Gen. Lombiao nasa Zamboanga na. I had all the people around us talk to him so
that they will be able to prevent what (garbled) happened
GMA: Ok, ok, ok, sige, ok, thank you.
***
GMA: Did you get my text about the Tipo Tipo?
Garcillano: Oho, oho Ma’m. Kuwan that is what I am being fearful about Kung si (garbled) Ali
yon that is why we are asking people to look for her so that we can confront her.
GMA: She’s probably being held by them.
Garcillano: Ma’m.
GMA: She’s probably being held by them already.
Garcillano: She is here, that is why if it is possible we will have her family call her up from
Zamboanga.
GMA: Ok, ok.
Garcillano: Sige po Ma’m.
***
GMA: Hello
Garcillano: Yes, Ma’m.
GMA: Ano nahanap na ninyo?

Garcillano: Ma’m.
GMA: Ano nahanap na ninyo yung sa Tipo Tipo?
Garcillano: Ang Tipo Tipo ho hindi pa.
***
Man: Anong balita?
Garcillano: Eh ito, nag-aano ako kasi ang Tipo Tipong tao parang nasa kamay na nila.
Man: Oo nga eh.
Garcillano: Pero wala naman damage magagawa kay Ma’am pero kay Wahab. Kaya dapat si Wahab
ang gumalaw niyan.
Man: Pero magte-testify siya against the administration? Against the President?
Garcillano: How can that be? Wala siyang ginawa kay presidente?
Man: Eh, di ba ang gagamitin, magtetestify siguro yan against the president regarding the bawas
dagdag na ginawa doon sa ano
Garcillano: Wala naman siyang ginawa para kay presidente doon sa kanya
Man: Yun ang iprepresenta ni Rufus Rodriguez pati yun kay (garbled) Ibron?
Garcillano: Pera wala naman. Hindi niya makukuha si Ibron, hindi niya makukuha.
Man: Si Ibron hindi na nga dahil two days ago, nakausap na nga raw e. Si Ibron, nakausap na ng
military.
Garcillano: Eh huwag mong… sabihin sa military na yan na huwag sila masyado na makikiialam
kasi sinampal si Ibron. Aking taon yan. Taga-Batangas yan.
Man: Ah ganoon ba?
Garcillano: Oo, hindi naman ganoon. Bago nila ginawa yun primero, sinampal siya. Kaya maiyak-
iyak ang tao. Pero kahit na pakainin mo ng bala, hindi na magpapakita. Ngayon ito si Rashma
Hali, walang masasabi against kay Ma’am kahit na anong gawin nila. Kasi she has not done
anything except kay Wahab Akbar. Kaya si Wahab ang wawarningan.
Man: Pare, ano ba ang ipinapakita ni Rufus na ano?
Garcillano: Ay, pabayaan mo siya, but it does not have anything to do with the President.
Man: Ibig mo sabihin na ipinapakita na dinagdagan daw yung boto ni Presidente e
Garcillano: Hindi matetestiguhan kung hindi sa kanyang munisipiyo.
Man: Yung Tipo-Tipo, di ba?

Garcillano: Ang problema eh wala naman kay presidente diyan.
Man: Hindi ba pinepresente ni Rufus na dinagdagan?
Garcillano:  E, pinapakita man ni Rufus, tignan natin sa provincial canvass. Kasi wala naman
nagagawa yan doon sa kanyang munisipyo. Bahala siya. Kaya pinapaano ko kay Wahab ngayon,
dapat si Presidente maano niya kay Wahab para si Wahab ang kumuha ng taong iyan. Kung
hindi, pakukuha ko ang pamilya niya.
Man: Uh-hum.
Garcillano: Yun ang last resort ko. Pakukuha ko ang pamilya niya.
Man: Kaya nga, yun talaga ang dapat gawin doon.
Garcillano: Kaya dapat malaman ni Wahab na si Wahab kasi more damage will be for, against
Wahab Akbar, not the President.
Man: Bakit, maapektuhan ba ang boto ni Wahab?
Garcillano: Eh, siya talaga ano ang malaking nakapabor.
Man: Uh-hum.
Garcillano: Kaya kung maaari, papupuntahin ko nga rito ang supervisor at ipatatago ko rin sa
akin because I want to clean out yung mga by municipality results.
Man: Yan nga ang nagkakaproblema kasi si Wahab ang nagtratrabaho niyan.
Garcillano: Ay, ang problema niyan si Wahab ay gumalaw si Wahab noong kuwan na
Man: Huli na nga e
Garcillano: Huli na. Alam mo, si Wahab was working for FPJ actually.
Man: Oo, noong una
Garcillano: Nung nalaman niya matatalo si Presidente, ay si FPJ, saka kako bumaligtad.
Man: Sinabi mo.
Garcillano: Ay, naku. totoo talaga. Kaya ang mga tao natin diyan, ang atin mga diyan, ay galit na
galit sa kanya. Kaya ito, kung anuman, malalaman ko hanggang umaga ng maagang maaga, kung
ano talaga ang score doon so I can (garbled) get his…her family kung halimbawa.
Man: Oo.
Garcillano: Sabagay medyo matindi na ito. Kasi nandoon naman si Lomibao. Nandoon…Ewan ko
kung sino pa ang nandoon. May isang colonel na nandoon. Sabi ko, kung kailangang kunin,
kukunin na yung pamilya niya.
Man: Uh-hum.

Garcillano: E Lokohan na rin ano. (garbled)…Walang alam naman yan.
Man: Kaya nga, kaya nga.
Garcillano: Eh, ewan ko, kung pupunta uli sa (garbled), pakidnap ko siya. Nakakaano.
Man: Eh, hindi naman pumupunta. Pero ang balita ko. Nandito na sa Paranaque.
Garcillano: Nandito na yung ano
Man: Nandito sa Parañaque noong Saturday
Garcillano: Let us ask somebody to look for her and get his…her family kung puede.
Man: Pero, pare. Tanong ko lang, paano yung ano sa atin sa partylist?
Garcillano: Hindi ko pa maano kasi hanggang ngayon wala pang usapan ang mga tao diyan. Kaya
lang tatawagan kita bukas ng tanghali kung ano
Man: Okay
Garcillano: Ano yan?
Man: Yung TUCP? At saka ANAD?
Garcillano: Yung TUCP dadagdagan? Mahihirapan tayo niyan.
Man: Hindi ba mas maganda kung yung lahat ng magkakatabi na yan eh…
Garcillano: Hindi, kasi nag-proclaim na kami. Ang alam ng mga commissioners and the other
people there, mahirap nang kumuha, kung magkuha tayo, malapit na hindi na mahalata…
Man: Pero, pare malapit yan kaysa Smile.
Garcillano: Hindi e. Kaya, bahala na. Pero pag sabay-sabay mo yan, kanino mo pagagawa? Eh
yung mga bata hindi na puedeng gumalaw. Titignan ko bukas kung anuman.
Man: Oo.
Garcillano: Sige, sige.
Man: Sige, sige. Tawagan mo ako.
***
Arroyo: Boss, boss, tulungan mo sana yung loyal sa akin, si Bobby
Garcillano: Bobby?
Arroyo: Bobby Barbers.
Garcillano: Papano pag kayu-kayo dyan

Arroyo: Tignan mo, oo, nagfile ng parang annulment or something, tignan mo kung
matutulungan mo
Garcillano: O sige basta kwan, talaga namang aking inaano si Bobby e, talaga namang siya naman
ang atin e
Arroyo: Oo siya, sya talaga ang atin,
Garcillano: Tulungan mo sana.
Arroyo: Ok.
Garcillano: Thank you.
***
GMA: Garcy?
Garcillano: Hello Ma’m
GMA: Ano ang gagawin natin dun sa Namfrel presscon kanina yung Namfrel Lanao del Sur?
Garcillano: Inaano ko. Meron na ho akong kopya ng finax ni Nonong yung kay Dalidig pero that
is not true because I have already asked my staff whom I assigned Lanao Sur pagkatapos ho si Rey
Lumipao. The supervisor is coming and then we will also try to make them say something after
this. Pagsasalitain ko sila ho without me, letting people know that I am the one monitoring.
GMA: Okay
***
Barbers: Si Pinong, nagsara na kami ng usapan ni Fortunato Tunong. Okay na siya ngayon. Sabi
niyang kanina kahapon, kausapin mo si Commisioner Garcillano. Kako hindi ko nga kilala pero
mayroon akong kamag-anak na kaibigan niya. Yun ang sinabi ko. Hindi ko sinabi na magkakilala
tayo. So ngayon naman nagtawagan kami, Oo, nakausap ko na, tutulong raw siya.
***
Woman: Sir, puede raw kayong kausapin ni Congressman Espina? Gerry Espina?
Garcillano: Sige, sige.
Espina: Commissioner.
Garcillano: Chief. Kalimutan mo na? Ako yung tao ni Chairman Perez.
Espina: Alam ko, alam ko (laughter).
Garcillano: Kaya tinitignan kita kahapon sa session e
Espina: Nandodoon ka ba kahapon?
Garcillano: Wala, sa TV lang.

Espina: A, sa TV.  Akala ko… Tumawag ako dahil yung aking isang tao sa mayor, mukhang
kinawawa naman e.
Garcillano: Yung mayor, vice mayor?
Espina: Sa Contaba.
Garcillano: Ah, oo. Nasa akin ang papel niya. Pero hindi yata sa akin naka-assign.
Espina: Kanino kaya? Nasa first division eh.
Garcillano: Sa aming tatlo nila Javier, Borra pero titignan ko...Basta kuwan…
Espina: Tignan mo nga. Mahirap kasi. Alam mo noong araw pinatakbo ko yung vice mayor yan,
he was just a (garbled) agriculturist, pero palibhasa’y ano mabait…
Garcillano: Ako naman ang nag-remind sa kanila na kilala kita. Sinabi ko
Espina: Ah ganoon ba?
Garcillano: Sige lang. I’ll see that…
Espina: Matutulungan natin. Dahil yung kuwento niya mukhang kinawawa.
Garcillano: Sige lang, okay lang. Basta kuwan magkikita tayo para.
Espina: Sige…
***
GMA: Hello, Garcy?
Garcillano: Ma’m, good afternoon.
GMA: Ano, kinausap na kayo ni Abalos?
Garcillano: Oo, Ma’m. Mamasyal na lang muna daw ho ako sa Mindanao kuwan lang. Kaya nga
ho kung ano man ho ang mga problema natin tawagan lang ho ninyo ako.
GMA: May problema sa South Upi pero local, kasi iba-iba raw ang iprinoclaim ng Comelec doon.
Garcillano: Sino ba atin don?
GMA: Ay naku ang importante na hindi madamay yung sa itaas.
Garcillano: Ay hindi ho kasi ako ang may hawak noon.
GMA: Kasi ang issue doon sabi ng (garbled) dadalhin daw yung sa kanila yung recount, pero sabi
naman ni Echiverri dun na lang daw sa munisipyo.
Garcillano: Doon na lang ho. Ok na ho yon, ako ho may hawak niyan.

GMA: O sige. So hindi maapektuhan yung sa taas ha.
Garcillano: Hindi ho. Hindi ho.
GMA: Kasi ang sabi nila if kung maging exclusive baka, kasi si Fernando Poe gumagapang na
naman daw doon e.
Garcillano: Ay hindi ho, nasa akin ho yan.
GMA: Ok.
***
Barbers: Commissioner, good morning.
Garcillano: Good morning.
Barbers: Tumawag sa akin si Congressman Salceda kagabi. Panalo tayo sa Ligao, mga one-two,
lamang tayo ng mga one-two. Kaya maganda na.
Garcillano: Ah. Ang problema niyan hindi ako makapag-participate ngayon
Barbers: Di bale, basta ikaw ang tumutulong sa akin, wala akong problema.
Garcillano: O, sige lang. Sige ho, Senator.
Barbers: Sinabi naman ano…Nag-usap kami ni Mike. Tinawagan niya ako kanina, 8:30. Sinabi ko.
Sabi niya, sina Garcy ba tumutulong naman? Sabi ko, oo, sobra ang tulong sa akin ni Garcy. O
sabihin mo sa kanila ni Noni na huwag mag-alala, kaming bahala pagkatapos ng proklamasyon.
Tinawagan ako, tinanong ako tungkol sa Ligao.
Garcillano: Ligao, Albay?
Barbers: Kaya sabi ko tumawag si Congressman Salceda. Ang ginawa ko roon ginamit ko si
Congressman, si Governor-Elect at saka yung mayor.
Garcillano: I see.
Barbers: Kaya malinis tayo doon. Malinis. Wala tayong problema.
Garcillano: Ah.
Barbers: Basta…kahit hindi ka i-reappoint huwag mo akong pabayaan.
Garcillano: Oo.
Barbers: Kailangan kita diyan.
Garcillano: O, sige. Sa inyo lang ako (garbled).
Barbers: Tumawag na ba sa iyo si Harry?
Garcillano: Ay, anong magagawa mong.…anong gagawin niya?

Barbers: Hindi, okay yan, okay kausap yun. Pag nasalita yan, totoo. Gustong mo i-set ko bukas
ng gabi? Darating siya bukas ng tanghali.
Garcillano: Titignan ko lang, Senator, kuwan kasi inaayos ko muna itong mga record ko kasi
ipapasa ko na sa en banc.
Barbers: Ah, oo. Sasabihin ko na lang pagkatapos na…
Garcillano: Okay.
Barbers: Sabihin ko na lang sa kanya.
Garcillano: Oo.
Barbers: Kasi masigasig siya e. Sabi niya, alam mo, kilala mo ako, pag nag-commit ako, ginagawa
ko.
Garcillano: Ah, sige lang. Okay lang, senator.
Barbers: Sabihin ko na lang na yung mga ginagawa mo.
Garcillano: Ah okay.
Barbers: Basta huwag mo lang akong pabayaan, Commissioner, ha?
Garcillano: Walang problema yan.
Barbers: Ikaw lang ang (garbled) talagang inaasahan.
Garcillano: Okay lang. Walang problema yan.
***
Garcillano: Len, i-remind nga sila kung nakapagpadala ng SOV 15 o 18 sheet sa Cotabato?
Len: Dito, sila ano?
Garcillano: Sino ba sa SOV?
Len: Sila???
Garcillano: (garbled) Nagsabi raw si Chairman kagabi
Len: Itatanong ko kay (garbled) Roxas, Sir.
Garcillano: Okay.

No comments: