Tuesday, September 06, 2005

Bro. Eddie's Statement

Bookmark and Share
Bro. Eddie Villanueva statement

Gusto ko pong ipaalam sa lahat na dahil sa dakilang misyon ng Bukluran Para sa Katotohanan ang leadership po ng Jesus is Lord Movement, ang leadership ng Philippines for Jesus Coalition Movement at ang leadership ng Bangon Pilipinas National Renewal Movement ay buong puso po na nakikiisa dito sa ipinaglalaban ng Bukluran Para sa Katotohanan.

Kaya po nananawagan po tayo sa lahat ng inaabot ng media lalo na ang mga JIL people, PJM people, Bangon people at lahat po ng mga Pilipinong nagmamahal sa Diyos at sa bayan ito po ang huling paraan para maipakita natin na doable ang peaceful constitutional process.

Kapag ito po ay nabigo ay ayaw po nating mangyari ang nangyayari sa ibang bansa na kapag ang mapayapa at matahimik na pamamaraan para magkaroon ng pagbabago, malaman ng sambayanan ang katotohanan at magkaroon ng katarungan, kapag ito po ay nabigo ang taumbayan po ay mahirap na pigilin na pumunta sa kalsada at i-exercise nila ang kanilang sovereignty.

Kaya umaasa po ako na sa gagawin po natin mula ngayon hanggang bukas sa pangunguna po ng ating ginagalang na Madam Cory Aquino at ng mga minamahal nating kababayan na nagmamahal sa bayan ng katotohanan ako po ay naniniwala na kung may mga kongresista pa na natatakot lumantad pero hindi matapang ang hiya ay magkakaroon po ng lakas ng loob na sumama sa atin at kakampihan nila ang sambayanang Pilipino sa paghahanap ng katotohanan at katarungan.

No comments: